^

Kutob

Hulyo 29, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Mamimili ka ngayon. Matagal na rin na utak ang sinusunod mo. Ngayon, subukang pumanig kung saan ka magiging masaya. Hindi lahat makukuha ng pera. Kung totoong mahal na mahal mo siya at walang “sabit”, go! Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 14, 41 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ramdam mo ang kagipitan sa pinansyal. Halos hindi na mapagdugtong ang kinikita sa panga-ngailangan. Maghanap ng sideline. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at red.   

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Huwag magpadalos-dalos sa desisyon. Pag-isipan ng mabuti, lalo na kung tungkol sa hanap-buhay o negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 19, 20, 23, 32 at neon green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kumunsulta sa isang feng shui master bago magpatayo ng bahay. Ang chi o energy ng lugar ay isaalang alang. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Love is lovelier the second time around. Ito ay darating sa iyong buhay at hindi mo maiiwasan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Tandaan ang ikapitong utos, huwag makikiapid. Hindi ito ang tamang solusyon ng paghihiganti. Bumangon, magpatawad. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Dahil may lahi kayong pikutin, mag-ingat sa tukso lalo na sa taong lapit nang lapit at nagpapahiwatig ng saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at dirty white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Mag-impok habang malakas ang kita. Iwasan ang pagiging bulagsak at pagbili ng ‘di gaanong kailangang bagay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at pink.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Kalimitan nagiging lason sa pagsasama ang labis na pride. Ngayon kausapin ang partner at sabihin na nagkamali ka. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at light gray.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Isang magandang araw ang nakaabang. Huwag makalimot na magpasalamat sa positibong enerhiya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at yellow.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Muli siyang makakalimot sa pangako. Suriin ang damdamin para sa kanya. Malalampasan ang hamon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at aqua blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kailangan tanggapin ang katotohanan, tapos na ang sisihan. Makakabuti kung sisimulan ang pagbabago sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at cream white.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with