Disyembre 9, 2019

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Lingunin ang pinanggalingan at iwasan ang maghangad na lumipad ng mataas dahil kung babagsak sasabog ang lahat. Magpakatotoo at iwasan ang pagkaplastik at pagsisinungaling dahil bagkos niloloko ang kapwa ay sarili rin ang niloloko. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Sasama ang iyong mood o pakiramdam sa situwasyon ngayon. Kailangan mo ang payo ng higit na nakakaalam sa iyong problema. Iwasan ang magpadala sa emosyon dahil walang mangyayaring solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Magpatuloy sa kagandahang asal. May sorpresang parating. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) May masaya at malungkot na mangyayari. Malamang may magandang balita na matatanggap na ikakasaya. Malamang may matuklasan na siyang magiging dahilan ng kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.  

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung haharapin ang dapat harapin, lalo kang makikilala dahil sa iyong talino at husay. Iwasan na magbigay ng opinyon sa taong hindi lubos na kilala. May sorpresang darating. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.  

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magiging mapusok ka ngayon at kung walang self-control, dadalhin ka sa kapahamakan. Ngayon dapat iwasan ang mga barkada dahil masasabit sila sa iyong gawain o ikaw ang sasabit sa gagawin nila. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging abala ka sa mara­ming bagay, pangpersonal o sa trabaho. May magtatampong kaibigan, kasambahay o kasamahan dahil hindi mo napaunlakan ang hiling. Huwag magpautang ng pera dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung may suliranin ang iyong kaibigan, kasamahan o kasambahay, ikaw ang makakaresulba sa pamamagitan ng payo o materyal na bagay. Hindi masama ang tumulong ngunit ibigay ito sa nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Praktikal ang pairalin, gawin ang nararapat sa ta­hanan at maging sa trabaho. Wala kang maaasahang tulong mula sa kasamahan, kaibigan, kasambahay at ma­ging sa kamag-anak ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Pag-isipang mabuti ang mungkahi. Kung maganda ang idudulot nito sa iyo, tanggapin. Subalit kung inaakalang walang mapapala, tanggihan. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Maging alerto at makiramdam ng mabuti. Ang inggit ng mga kasamahan sa trabaho ay hindi maiiwasan. Malamang sisirain ka ng dahil sa inggit. Malamang isang kaibigan ang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

Show comments