Nobyembre 16, 2019
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2019 - 12:00am

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Iwasan ang bagong bisyo na kinagigiliwan dahil ‘pag nagkataon ay uubusin nito ang iyong oras sa walang kwentang bagay. Ngayon mo aanihin ang  wagas na pagmamahal sa isang mailap na tao. Matutupad ang isang pangarap na noon mo pa ninanais. Lucky numbers at color for the day ang 5, 20, 26, 33 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Magiging handa ka sa ano mang katanungan tungkol sa pag-ibig o sa pribadong mong buhay. May posibilidad na abusuhin mo ang iyong katawan sa walang kwentang bagay. Maaaring lumaki pa ang iyong pagkakakitaan. Lucky number at color for the day ang 1, 21, 30, 40 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Masisiguro sa’yo ng isang kasosyo na uubra ang iyong hilig o hiling. Makakasama mo sa araw na ito sa isang romantikong lugar ang iyong minamahal upang muling ipadama sa kanya ang wagas na pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 27, 38 at violet.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mapapansin nila ang kalungkutan sa iyong mukha kahit anong pilit na pagngiti pa ang gawin. Masisiguro ang iyong tagumpay sa gagawing pagsubok kung magiging handa ka lagi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 12, 28, 39 at burgundy.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Magkakaroon ng katahimikan ang iyong puso sa araw na ito. Pero maaaring mabulabog sa kakulitan ng isang kaibi-gang umiibig dahil sa kanyang problema. Pahalagahan ang reaksyon ng ibang tao na may katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 5, 7, 23, 30 at cherry red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Mapapatunayan niya sa’yo sa araw na ito kung gaano ka niya kamahal. Huwag kaagad bumigay, bigyan pa siya ng ilang panahon upang maipakita ang katotohanan sa kanyang mga sinasabi. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 20, 32 at purple.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sumabay sa agos at tugtog ng buhay para mabawasan ang mararamdamang sama ng loob. Mababawasan ang iyong responsibilidad sa araw na ito kaya maganda kung magre-relax ka muna. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 47, 42 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Papaburan ang mga kaibigan sa iyong napupusuan, kaya lang sarili ang nakataya kaya dapat mag-ingat. Hangga’t maaari, huwag munang lumabas, hindi mo magugustuhan ang klima sa labas na maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 35, 40 at shocking pink.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging masigla ang paglalagi sa bahay kasama ang mga minamahal. Hihintayin mo ang desisyon ng iyong partner bago ka kumilos. Mayroong hihingi ng pabor sa’yo na hindi mo mapagbibigyan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 24, 40 at ivory white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Maraming magtatangkang manligaw sa’yo subalit hindi lahat sila ay mabuti at may malinis na layunin. Mararating ang malalayong lugar na may kinalaman sa trabaho at sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 21, 37 at corn yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Magiging balisa ka sa araw na ito dulot ng maling pasiya na iyong ginawad sa tagasunod. Kailangan ituwid mo ito upang magkaroon ka ng mapayapang isip. Agapan ang pagkilos para malayo ang sarili sa pagsisisi. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 25 at turquoise.

 

 

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Makakakita ka ngayon ng oportunidad na tumaas pa ang iyong posisyon. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Mararating mo na ang nais na lugar kasama ang espesyal na tao sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 29, 39 at royal blue.

 

 

 

KUTOB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with