Enero 07, 2019

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Taurus ang makikilala ngayon, malamang magkaroon kayo ng relasyon at magkatuluyan. Isang kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong o payo. Ituloy ang balak dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 32, 40 at red.  

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Pag-aralang mabuti ang payo bago isaalang-alang at pumalaot. Kung may suliranin may paraan para malutas kung hindi idadaan sa dahas at init ng ulo. Huwag magpabigla-bigla dahil pagsisisi ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 22, 35, 41 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ang taos-pusong pagpapasalamat sa mga biyayang tinatamasa ay lalong magbibigay ng pagpapala. Lingunin ang pinanggalingan at tiyak makakarating sa patutunguhan. Ngayon ang panahon para alalahanin ang taong nakatulong. Lucky numbers at color for the day ang 14, 17, 34, 43 at sky blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Taglay ngayon ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik o pagtuklas. Makakatawag ka ng pansin sa bawa’t taong makakausap. May magandang aral na mapupulot ang iba mula sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 33, 38 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Taglay ang sigla subalit madali kang mapipikon. Kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba may magtatampo. Iwasan na mag-init ang ulo o magalit dahil lalayuan ka ng magandang kapalaran. Lucky numbers at color for the day ang 17, 27, 37, 40 at light green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Ang maliit na suliran ninyo ng minamahal ay malulutas. Huwag mag-alinlangan at iwaglit ang pagduda dahil mahal ka niya. Iwasan ang magselos kung walang matibay na basihan. Tugma ang pagkakataon para isaayos ang anumang gusot sa relasyon o sa pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 11, 29, 31, 38 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maging mahinahon at pairalin ang pagkamaunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at maging mapagpasensiya. Kung may gagawing desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ang 21, 38, 41, 44 at red.  

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit may mas mahalagang bagay na dapat tapusin. Ngayon ang tamang panahon para sa mapagplanuhan ang bagay na gustong simulan. Positibo ang pag-iisip sa gingawa, kaya positibo ang magiging resulta. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 33, 39 at aqua blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Ang mga pagkakamaling nagawa ay dapat na maging aral at hindi na maulit pa. Mag-ingat dahil malamang maulit ang pagkakamali sa araw na ito. Anuman ang gawin, tiyakin ang kalalabasan. Sikapin na ito ay maging katanggap-tanggap at walang pagsisisihan. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 14, 30, 40, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Kung may kagalit sa nakaraan, ngayon ang tamang panahon para makipagbati. Malakas ang iyong karisma kaya walang dahilan para ikaw ay matanggihan. Iwasan ang magpadala sa udyok dahil pagsisihan mo ‘pag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 25, 38 at orange.

SCORPPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kahit sa kahirapan basta’t kapiling mo ang iyong mahal,  kunteto at maligaya ka. Kung malayo ang minamahal dahil sa hanapbuhay, huwag malungkot dahil sa sipag at pagtitiis makakamit ang minimthi. Huwag mag-alaala dahil mahal ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 30, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung kapos sa pera o gamit, huwag mag-alaala dahil nasa tamang landas ang kaunlaran kung iiwasan ang hindi magandang iniisip. Iwasan na gumawa nang labag sa batas o hindi matatanggap ng tao, dahil tiyak mabubuking. Kaunting tiyaga at sikap ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 20, 25, 34, 35 at blue.

 

 

Show comments