^

Kutob

Oktubre 11, 2018

Pilipino Star Ngayon

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Panahon nang pagbabago ng masamang ugali. Ang ilang pagbabago ay sadyang mahirap gawin, subalit hindi dapat sumuko kung para sa kabutihan ng sarili. Walang mahirap sa taong matiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 26, 35 at strawberry.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Asahan na maraming trabaho ang gagawin ngayong araw. Matatapos ito kung iiwasan ang makipagkwentuhan at tsismisan. Tiyak na mapapagod sa buong maghapon dahil sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 26, 34, 42 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Hindi inaasahan na makakasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kwentuhan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 45 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Walang dahilan para magkunwaring masaya, kung taliwas naman ito sa tunay na nararamdaman. Maging natural dahil ang pinakamahirap sa lahat ay niloloko ang sarili. Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan magkunwari at ang pagkaplastik. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 31, 42 at beige.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Hindi maiiwasan ang kumpetensiya sa kahit anong larangan, huwag ito bigyan nang sobrang pansin dahil sarili ang magkukunsumisyon. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagpaligsahan. Sariling sikap ang dapat pairalin para hindi mapuna. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 35, 44 at lavender.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at mga katrabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa, huwag matakot na mabigo dahil ito ang daan na matuwid. May mangyayaring kakatuwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 32, 42 at sky blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung mainit ang ulo, magpalamig muna bago humarap sa tao. Tiyakin na ang ikinagalit ay hindi madadala kung saan, maliban sa kinauukulan. Huwag idamay ang iba, na walang kinalaman sa pangyayari. Kung may problema sa tahanan, huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 26, 30 at lilac.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Piliin ang sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. May pagkakataon na makakilala ng taong makakatulong sa’yo. Mag-ingat sa hold-up o snatchers. Iwasan ang maglakad nang mag-isa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 31, 43 at ivory.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Anuman ang gawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng iba. Ikaw ang higit na nakakaalam sa iyong gusto, kaya huwag asahan na may magdedesisyong iba. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 34, 43 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Labis ang pangungulila sa kasintahan o minamahal, pero walang magagagwa kundi magtiis dahil sa pangangailangan. Isipin na pagsubok lamang sa relasyon ang magkalayo para lalong tumibay ang iyong samahan. May matamis na bunga ang pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 30 at mint green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Gawin ang paraan para maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makakabuti kung negatibo ang laging nasa isip. Maging positibo at tiyak maganda ang resulta sa ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 31, 40 at canary yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may planong gawin, isipin muna nang mabuti kung ano ang hakbang at unang simulan. Tiyakin na maging organisado ang bawat kilos, dahil mabigat ang timbang nang pagkakamali. Mahina ang iyong kalooban ngayon, paglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 31, 39 at white.

vuukle comment

OKTUBRE 11

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with