^

Kutob

Abril 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may karamdaman, tiyakin na makapagpatingin kaagad sa doktor. Huwag basta uminom ng gamot at baka ma-allergy. Iwasan na matuyuan ng pawis ang katawan, mabasa ng ulan o maambunan. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Iwasan ang magsalita at baka makasagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ka ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaki ang pakinabang kung magiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon. Magaan ang pasok ng pera. Maunlad ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 21, 23, 24, 34 at magenta.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Paglabanan ang tukso ng karangyaan sapagkat alam ng sarili na may kakapusan sa pera. Matutulungan ka ng isang kaibigan o kamag-anak sa suliranin kung magiging tapat. Iwasan ang anumang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 31, 39 at green.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Ituloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang na mangyayari. Ang maging maagap ay magdudulot ng malaking pakinabang. Bagay ang makisalamuhang sosyal kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 14, 26, 37, 40 at royal blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging matatag na harapin ang katotohanan. Huwag iwasan ang responsibilidad. Pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain upang maiwasan na magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 25, 42 at yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang kaunting suliranin sa negosyo o hanapbuhay kung hahayaan ay maaaring maihambing sa saranggola na nawalan ng hangin. Ang maagap na paghahanap ng tamang solusyon sa suliranin ang tanging tamang paraan. May pagkakataon para maagapan at mahanapan ng solusyon ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 38 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang mag-init ang ulo o magalit ay magbibigay ng negatibong resulta sa kahit anong gawin. Kung pag-uukulan ng panahon ang pag-isip ng kalutasan sa problema, makakahanap ng tamang solusyon. Dapat paglabanan ang pagkatamad. Lucky numbers at color for the day ay 4, 16, 26, 36 at emerald green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung tamlay ng katawan ang mararamdaman, paniningil lamang ito sa pag-abuso o pagbabalewala sa ginawa sa kalusugan. Magandang balita kung walang karamdaman dahil maraming positibong bagay ang magagampanan o magagawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 25, 36 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga para magtagumpay. Iwasan na magkalipas ng tanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng ano mang bagay sa dapit-hapon dahil hindi maisasauli o maibabalik. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 24, 34 at beige.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Kung may makakasagupa na walang pag-galang, ito ay larawan ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago sa masamang ugali para matamo ang pag-galang at respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa, kung babaguhin ngayon, may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 28, 39 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Aksyon kaagad sa suliranin dahil kung hahayaan ay hahantong sa matinding problema. Maaaring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad aaksyunan. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataon na darating dahil hindi na ito babalik. Lucky numbers at color for the day ay 18, 28, 30, 38 at lavender.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa. Kailangan ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa pakikipag-sapalaran lalo na sa negosyo. Iwasan ang mga pagkain o inumin na makasasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at jade green.

vuukle comment

KUTOB ABRIL 21

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with