Marso 17, 2018

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Taglayin ang hinahon at pang-unawa dahil magiging lapitin ka ng mga taong pikon at mainitin ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang pangako dahil mapapako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa pinagtatrabahuan. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at oak brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Iwasan ang tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang-bahala ang kaunting suliranin sa bahay o sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ng pansin sa kausap para pakinggan. Magagawang makumbinsi ang kahit na makulit o makitid ang isip. Matutuklasan ang gustong malaman tungkol sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon at mainitin ang ulo, kaya agad na magagalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Tanggapin kung nagkamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Lilipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang desisyon ay pag-isipan muna bago gawin. Kung mag-aaplay ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay17, 26, 30, 42 at electric blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Taurus ang makikilala, tiyak na magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) Madaling pakitunguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Mapagtitibay ang relasyon sa tahanan at kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maaayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig ang makakapagpagulo sa isip at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39, at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan, ngunit iwasan ang labis na gastos. Mahalaga ang magplano sa bagay na gustong simulan. Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Magiging positibo ang isip sa paggawa ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga pagkakamaling nagawa ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. May kaunlaran na matatamo kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) –  Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabaho na nakaatang. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

Show comments