^

Kutob

Marso 14, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Himala dahil marunong ka ngayon makisama at makibagay. Ang ugaling ito ang siyang gusto ng mga kaibigan. Panahon ng pagbago ng ugaling masungit, makasarili at tsismosa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 35, 40 at white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pairalin ang isip at hindi ang emosyon. Balanseng gamitin ang puso at isip para makamit ang hinahangad. Iwasan na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Kung selos ang pag-aawayan, malamang hahantong sa hiwalayan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 20, 34, 41 at golden brown.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kung may problema, pilitin na lutasin ng mag-isa dahil wala kang tulong na maaasahan mula sa iba. Huwag igiit ang iyong gusto dahil magiging mali ang iyong opinyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 24, 39 at silver.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magandang balita ang matatanggap at tiyak masaya sa buong maghapon. Isang Pisces ang magbibigay kasiyahan. Mag-ingat sa Aries o Capricorn dahil magbibigay siya ng problema o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Manatiling mahinahon at kalmado. Ang labis na pagkataranta at pagmamadali ay lalo magdudulot ng kaabalahan. Ayusin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maayos ang taglay na suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maging tapat at huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung malungkot o nasasaktan, walang dahilan na magkunwaring masaya. Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot ay ang magkaroon ng positibong pag-iisip. Tiwala sa sarili ang kailangan mo ngayon. Kahit ano ang mangyari magiging maayos ang resulta ng ginagawa kung may tiwala sa sarili. Kayang harapin ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 7, 19, 25, 34 at lime.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Anuman ang gawain, tiyak maganda ang magiging resulta. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na maging kaibigan ang makikilala ay maaaring mapaaway ka pa. Kung ayaw mawalaan ng pera, huwag magtsismis. Lucky numbers at color for the day ay 13, 16, 39, 40 at yellow green.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang akalang kay hirap na nakatakdang gawain kapag nasimulan ay kay dali pala. Kaya huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang trabaho at makikita na magiging masaya ang bawat saglit. Maipapakita ang kahusayan sa paggawa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at orange.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Isang tawag ang magpapasaya at magpapaganda ng mood. Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Lalo kang hahangaan kung magiging tapat sa pakikisalamuha. Ang sikreto ay malamang mabulgar. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 34, 40 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Kabaligtaran ang mangyayari, ang inaakalang tama ay magiging mali. Dahil sa taas ng pride, ayaw mong patalo kahit wala ka naman sa katuwiran. Tanggapin kung nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 42 at violet.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – May kalituhan ka ngayon kaya dapat isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Isaisahin ang hakbang hanggang sa makamit ang gusto. Kunsultahin ang kaibigan kasambahay o magulang tungkol sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 34, 41 at neon green.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with