^

Kutob

Oktubre 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Panibagong araw na puno ng pagpapala at biyaya ng Maykapal ang nakalaan sa lahat nang nagtitiwala at sumasampalataya sa kanya.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May hihilingin ang minamahal na dapat hindi ipagkait dahil pagmumulan ito ng samaan ng kalooban. Ang anumang naipa­ngako ay dapat tuparin upang hindi mawala ang pagtitiwala ng kapwa. Iwasan ang tsismis dahil maaaring pagmulan ito ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 20, 29 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maging mahinahon sa anumang bagay para maiwasan ang tensiyon. Ang tensiyon sa trabaho ay dulot ng ibang kasamahan na kulang sa kooperasyon. Madaragdagan ang kikitain kung pagsisikapan. Tatanggap ng bayad sa pautang na matagal nang hindi nababayaran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 19, 25 at flame red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mapapanatili ang harmoniya sa pagitan ninyo ng minamahal, sa tahanan, kaibigan at mga kasamahan. Ang maging positibo sa lahat ng bagay ay magbibigay ng kaunlaran at suwerte sa buhay. Kung may balak na magnegosyo, ngayon ang maunlad na araw para simulan ito. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 26, 28 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ngayon ang pagkakataon upang pag-ukulan ng panahon ang mga pansariling binabalak. Timpiin ang anumang hinanakit upang maiwasan ang pagsiklab ng gulo o away. Iwasan ang magalit. Huwag patangay sa emosyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 39 at champagne yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May katuparan ang pangarap kung itutuloy ang binabalak. Ngayon magagamit ang mga natutuhan sa trabaho para sa personal na pangangailangan. May posibilidad ang isang dating pag-ibig ay mananariwang muli. Umaayon ang pagkakataon para maipakita ang kakayahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 29 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Laging tandaan na daig ng maagap ang masipag, kaya huwag magpahuli. Maging mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa upang maging matagumpay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Anumang problema sa nakaraan ay may kalutasan ngayon kung pagsisikapan na hanapan ng solusyon. Malulunasan ang problema sa kalusugan kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 26, 32 at magenta.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung ano ang nararamdaman, dapat huwag ipagwalang bahala at ipasuri kaagad sa dalubhasa. Ang kalusugan ay kailangan ng ibayong pansin. Mababawasan ang bagabag tungkol sa suliranin sa pag-ibig, pinansyal o hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 24, 39, 41 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mapipikon ka ngayon kaya pairalin ang pagkamahinahon. Huwag pansinin ang mga biro at kantiyaw. Pagtuunan ang mga maliliit na detalye sa anumang kasunduan. Ingatan ang kalusugan. Iwasan ang sugal at pag-inom ng alak. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 24 at hot pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag patangay sa emosyon dahil magiging emosyonal ka ngayon. Huwag ibigay kaagad ang pagtitiwala at manapa’y pag-aralan muna ang mga bagay-bagay. May malaking pag-asa na magtatagumpay sa pag-ibig. Huwag lumagda sa anumang kontrata o mahalagang kasulatan kung walang masusing pag-aaral. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 23 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Paglabanan o iwaglit ang ugaling mapagpuna sa ibang tao. Iwasan ang mag-alinlangan sa sarili at panatilihin ang positibong pag-iisip. Huwag magpautang at tiyak mahihirapan sa pagbayad ang umutang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Makakatagpo ng bagong kakilala sa hindi inaasahang pagkakataon. Maaaring mabigyan ng solusyon ang matagal ng suliranin. Ang inaasahang salapi na matagal nang hinihintay ay maaaring darating. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with