^

Kutob

Abril 23, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sapat ang biyaya ng buong araw, malilinis ko ang buong bahay nang hindi napagkakaitan ang sarili na makapag-relax.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May pagkakataon na mapagtuunan ng pansin ang tahanan. Magiging mainitin ang ulo dahil sa mga kaguluhang maoobserbahan. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at gold.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Huwag magmadali, hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mangyari. Maraming gustong pagbabago ngunit mahihirapan kang magpaliwanag sa kapareha o sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Iwasan ang makipagsisihan dahil wala itong ibubungang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at old rose.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Bad news, mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon o sa iba dahil ang kapareha ay magiging selosa. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Magandang balita dahil magiging malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Walang suliranin sa pamilya o sa minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ng kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan subalit dapat itong tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa anumang payo na maririnig, mapa’y pag-aralang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at silver.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mag-relax o mamasyal ay makakatulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging makitid ang isip ,kaya iwasan ang mapikon at madaling pag-init ng ulo. Iwasan ang maglasing at magsugal, gayundin ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Anumang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban sa ibang araw dahil mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-isipan muna ng mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama, panalangin ang kailangan para magkaroon ng tamang guidance. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang tunay na kaibigan ay sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Tawag ng panahon para iwasan ang kaibigan sa turing lamang at wala sa damayan. Maganda ang balita dahil magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa mood at masigla ka, kaya handang harapin ang anuman. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Bad news nga lang dahil isang kaibigan ang malamang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Alam mong tama ka, subalit lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang suliranin dahil may kalutasan ito. Magbibigay ng positibong resulta kung sisimulan kaagad ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magandang balita dahil magtatagumpay ka sa nilalakad at magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang matatanggap. Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with