Enero 5, 2016
Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

Pagtitibay:  Ang ngayon ay resulta ng mga gawa, salita at isip ng nakaraan. Ang bukas ay epekto ng mga nagawa, naisip at nadama ngayon. Kung nais baguhin ang tadhana, kontrolin ang isip sa paraan ng oracion meditation. 

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Makikilala mo ngayon ang posibleng life partner mo. Ang good qualities ay binibigyan ng admiration. Sikapin na ang pagtanggap ay samahan ng pagmamahal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 34, 1 at yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang iyong nararanasan ngayon ay mula sa pinili mong desisyon. Kung nais baguhin ang landas, oracion meditation ang lunas. Lucky numbers at color for the day ay 22, 17, 35, 45 at flame red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nais maging masaya, tawanan ang problema. Mag-aral ng laughter yoga at oracion meditation. Lucky numbers at color for the day ay 27, 39, 41, 55 at green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang magandang social connection ang mangyayari ngayon. Masayang magkuwento pero mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 18, 36, at fuchsia pink.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Marami kang alam sa mga supernatural na kaalaman. Pero ngayon mo lang natuklasan ang epekto ng sarili mong biro. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 29, 39 at ilang-ilang green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Sobrang sipag, naabot mo rin ang quota mo sa iyong sales. Pero feel mo na nahigop ang iyong lakas, kaya kailangan ng bakasyon para maibalik ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 25, 35 at yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang limot na nakaraan ang muling lilitaw, akala mo ubos na ang kanyang damdamin para sa iyo. Forever love ang handog niya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 27, 37 at true blue.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Sobrang kalinisan ang hangad, kaya  tadtad ng clorox ang kapaligiran. Panay paglilinis ng bahay, opisina o kung saan mang lugar ka naroon ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 19, 25, 36, 46 at violet.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Kapangyarihan ng mga angels ang iyong napag-aralan. Tuluy–tuloy na biyaya ng langit. Pero kapag ang sidhi ng pagnanasa ay hindi nakayanan, isang hamon ang masusubukan. Lucky numbers at color for the day ay 41, 19, 44, 21 at ruby red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Nasa situwasyon ka na mamimili sa boring restfullness at interesting social connections. Alin ang masaya, ganyan ka talaga. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 23, 44 at beige.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang iyong kaibigan sa internet ay makikipag-eyeball sa iyo, ingatan ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 15, 26, 48, 55 at paper white.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang nangyari na love story noong katorse ka pa ay umuulit ngayon sa iyong anak na dalagita. Pang-unawa ang babago sa tadhana. Lucky numbers at color for the day ay 23, 35, 11, 13 at sapphire blue.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAY DISYEMBRE LUCKY NUMBERS PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with