^

Abril 5, 2015

Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2015 - 10:00am

Pagtitibay:  Purihin ang Dios dito sa lupa para nang sa langit. Hatid Niya ay kaligtasan para sa lahat.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malilito ka sa mga alok. Lalong mabuti kung makakapag-isa para makapag-isip ng magandang ideya o tamang paraan. Kumunsulta sa akalang higit na nakakaalam. Malaking pagkakataon para makahanap ng paraan upang madagdagan ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 3, 10, 26, 37 at Jade Green.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Unahin ang sariling kapakanan bago ang iba. Walang maibibigay na tulong sa iba kung sarili ay kapos. Kung may alinlangan, huwag ituloy dahil tiyak na walang magandang kahihinatnan. Gawin ang plano at tiyak na may magandang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 23, 36, 38 at Red.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Magugulat ka sa makikita dahil hindi mo sukat akalain. Isang dating insidente ang mauulit na hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya ang pag-iingat ay dapat gawin. Maging alerto. Huwag magpabaya. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 22, 34 at Ruby Red.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Huwag magsisi kung may nagawang mali, i-charge to experience nang hindi maulit. Ipanatag ang isip sa problema dahil kusang darating ang solusyon sa tamang panahon. Iwasan ang maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ang 20, 29, 34, 42 at Yellow.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Lakasan ang loob sa mangyayari. Makakaranas ng  pangyayari na magiging memorable. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon babalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansyal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 28, 39 at Gray.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Magtiwala sa nararamdaman dahil malakas ang ESP. Kung ano ang iniisip kilos at gawin dahil may mapapala. Kung ano ang kutob, hindi magkakamali. Huwag patulan ang mang-aasar o mangu­ngulit. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 36, 39 at Aquamarine.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang ESP. Kung ano ang iniisip, iwasan gawin dahil walang mapapala. Kung ano ang kutob, dito ka magkakamali. Kung papatulan ang mang-aasar o mangungulit, tiyak may hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 15, 24, 39, 42 at Red.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – May pabuyang matatanggap sa kabutihang nagawa. Kung may tensiyon sa tahanan o trabaho, huwag nang magkumento para hindi magatungan at lalong sisiklab. Huhupa ang tensiyon paglipas ng ilang oras. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 29, 38 at Avocado Green. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Sa impluwensya ng panahon walang magiging suliranin ngayon. Magiging masaya ang pakikihalubilo sa kasamahan, kaibigan at kamag-anak. Huwag pagkaitan ng tulong ang taong lalapit kung kaya rin lamang. Gawin ang nararapat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 18, 23, 41 at Maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Upang hindi magkabuhol-buhol, ayusin ang mga schedules at repasuhin dahil makakalimutin ka ngayon. Huwag mangako dahil tiyak hindi matutupad. Iwasan makipag-schedule dahil may hadlang at hindi makakarating. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 29, 33 at Brown.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Tukso na kusang lalapit ay dapat iwasan dahil sisirain ang pamilya o ang kasalukuyang relasyon. Huwag magpadala sa matamis na salita dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mag-ingat sa manloloko. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 31, 40 at Yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Iiral ang pagkatamad, pagkamasungit, mainitin ang ulo at madaling magalit. Ito ang dapat paglabanan dahil kung hindi mapapasubo sa hindi magandang sitwasyon. Labis na kaligayahan ang madarama kung may matatapos na gawain. Hindi sagot ang maglasing o magmukmok sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 18, 25, 39, 43 at Blue.

ACIRC ANG COLOR DAHIL DAY HINDI HUWAG KUNG LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with