Agosto 24, 2014

Pagtitibay: Ang pag-iingat sa pagsasalita ay pag-iingat sa kalooban ng kausap.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gagawin o sa desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pag-aalaga sa kalusugan ng magulang ay dapat bigyang pansin at panahon kung may karamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnelian red. 

 LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Dalawa ang mukha ng payo, may nakakabuti at may nakakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan maging sa pinapasukan. Iwasan ang magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Iwasan na maging matampuhin dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at avocado green. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Nagtagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap; at ngayon magsisimula sa pagpitas ng matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad; hikaos ang daranasin. Kung hangad ay umunlad magandang magsimula ngayon. Huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at ruby red.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Magiging makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit, mag-init ang ulo at katamaran. Kaunting panahon na lamang ang kaila­ngan upang makamit ang hinahangad kung tuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Taglayin ang kahinahunan ng isip dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili na ipakita ang kakayahan dahil kailangan ngayon. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 at lavender.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Iwasang maging malikot ang isipan dahil maaaring pasukan  ng hindi  magandang ideya. Self-control ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine attraction at desire at madaling mahikayat. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 24 at light green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal kundi sa gawa at pang-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig kung taos-puso at malinis ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36 at dollar green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maaaring makatanggap ng magandang balita mula sa telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak sa paglalakbay. Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37, at violet.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismisan. Maraming makabuluhang bagay na naghihintay na dapat gawin. Kaligayahan ang madarama sa matatapos na mga gawain. Lucky numbers at ccolor for the day ay 4, 11, 25, 37 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung hindi mapaglalabanan ang pagkatamad, maaaring hindi makapasok sa pinapasukan o walang magagawang trabaho. Kung makapagtrabaho, magiging maikli ang pasensiya at magiging mainitin ang ulo. Selfcontrol, hinahon at pasensiya upang malayo sa disgrasya o mapaaway. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang mangako kung hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat hindi sirain. Mapalad na transaksyon ang darating na dapat hindi mapabayaan. Walang magiging dahilan o problema para magkaroon ng abala sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at agate green.

Show comments