^

Kutob

Marso 23, 2013

Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Ang anumang pangarap kung lalagyan ng gawa ay makakamit.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Maaaring hindi maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Ipagpaliban ang binabalak gawain na pamamasyal. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba dahil madali silang malapitan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 40 at squash.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Ipagpaliban ang balak gawain o anumang paglalakbay. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Huwag tanggapin ang anumang alok mula sa kaibigan o kasamahan. Malamang magkaroon ng kaunting tampuhan sa tahanan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ocean blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) — Hindi matatakpan ng karangyaan ang pagkukulang sa aruga at kalinga sa tahanan lalo na sa mga anak. Mahalagang magkaunawaan at magkasundo ang mga tao sa tahanan. Madaling mabagabag ang kalooban. Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 27, 35, 42 at magenta.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Ang matinding hinanakit ng kalooban ay maaaring magdulot ng kapahamakan kung hindi magtitimpi. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ay ma­lulunasan kung hahangarin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 28, 43 at violet.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo o lumikha ng gulo. Sa paligid, huwag makialam maliban sa sarili dahil madali kang masasangkot sa gulo. May tawag na magbibigay kasiyahan o kagalakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 32, 39 at light blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasamahan sa ta­ hanan o pinapasukan. Ang nakakataas sa trabaho ay madaling mabigyan ng kasiyahan. Ang simula ng kaguluhan sa relasyon ay galing sa isang tsismosang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 23, 30, 43 at ivory white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Posible ang hindi inaasahang magandang pangyayari. Iwasan ang makasakit ng damdamin at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. Maaaring katangi-tangi at pakikinabangan ang tulong ng kaibigan. May dulot na maligayang karanasan ang sosyal na pakikisalamuha. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 35, 42 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Ang magneto ng karisma ay malakas. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya, makakatanggap ng balita galing sa ibayong dagat. Kung may naisip gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad para maging positibo ang mangyayari. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 41 at honey yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makaka­sagupa ng suliranin para makapag-isip ng magandang so­lusyon. Maisasaayos ang suliranin tungkol sa salapi o pinansyal. Makakapagdulot ng sagabal ang maliit na bagay na hindi napagtuunan ng pansin o mahahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 21, 28 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Isang surpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Ang makipag-date ay inaayunan ng panahon. Huwag pansinin ang biro o kantiyaw ng kaibigan o kasamahan para maiwasan ang gulo o may makasamaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 10, 30 at strawberry red.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Bukas ang pagkakataon para baguhin ang masamang ugali. Sa pagkakamali magmumula ang pagtuwid at ilagay sa tama ang nagawa. Makakasagupa ng taong masama ang ugali kung itinuturin pero huwag magtaka dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky  numbers at color for the day ay 3, 7, 10, 30 at tangerine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Magagamit ang katalinuhan para mapagtagumpayan ang gawain o pro­yekto. Ang pagsasama ng magkaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Maging maagap sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 28, 31 at white.

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

MAAARING

NUMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with