Hindi na babalikan ang nang iwan

Dear Dr. Love,

Alam ng bf ko na hindi ko kayang magpatawad lalo na kung ayaw na niya sa akin at susuyuin pa niya ako uli. 

Matagal din kami ng bf ko. Naging routine na kasi ang aming ginagawa. Susunduin niya ako, tapos kinabukasan ay hihahatid na naman uli. 

Hindi ko alam kung napagod na siya at naghahanap na mas may oras para sa kanya. ‘Di ko maibigay ‘yun dahil madalas ang overtime ko sa nature ng work ko. Hindi naman ako accountant pero na-assign ako sa remittance ng daily cash sa aming department. 

Kaya kung oras talaga ay hindi ko naiibigay sa kanya. Kaya siya naghanap ng iba. 

Pero hindi naman daw siya masaya at naaalala niya ako kahit wala na kami. Gusto niyang makipagbalikan pero ayoko na.  Kahit alam ko sa sarili ko na mahalaga siya sa akin. Ang nasabi ko ay nasabi ko na. Pinatawad ko na siya pero hindi ko pa rin matanggap na nang iwan siya. 

Micaella

Dear Micaella, 

Kung may pagkukulang ka, dapat ay napupunan dahil mahal ka niya. Baka nga napagod lang kaya gusto niyang makipagbalikan sa iyo. Hindi naman kahinaan ang bawiin ang sinabi mo o baguhin ang iyong desisyon. 

Bakit kailangan mong pahirapan ang sarili mo kung mahal mo pa rin ang tao.  Baka pwede mo namang pagbigyan muli ang bf mo. 

Siya rin naman ang naka-realized na kailangan ka niya. Minsan nadadaya lamang tayo ng sitwasyon. Isipin mong mabuti kung ano ang susundin mo, ang iyong prinsipyo o ang pagmamahal mo sa kanya.

DR. LOVE

 

Show comments