College degree o Marriage?

Dear Dr. Love,

Mahal ko ang boyfriend ko pero mas priority ko ang makapagtapos ng college. Dalawang taon pa ay ga-graduate na ako sa kursong accountancy. Scholar ako at gusto kong ma-panatili ang status ko hanggang graduation. 

Gusto ng bf ko na magpakasal na kami at ipagpapatuloy ko ang studies ko kahit mag-asawa na kami. 

I know na mababawasan ang focus ko sa pag-aaral kung gagawin ko ito. 

Pero sabi ng bf ko, mag-break na lang kami kung ayaw ko siyang pakasalan.  

Ayaw kong mawala siya sa akin pero ayaw ko ring maapektuhan ang schooling ko.

What must I do?

Sofia

Dear Sofia,

You cannot have best of both worlds. Dapat pumili ka: college degree or marriage? 

Oo nga’t makakatapos ka rin sa kurso mo, but it’s true, magiging divided ang attention mo at malamang maapektuhan ang grades mo.May pagka-selfish ang boyfriend mo. Bakit hindi siya makapaghintay ng dalawang taon lang?

Kung ako ang boyfriend mo, papayagan kitang makatapos because that is your aspiration na magbibigay sa iyo ng kasiyahan.

But as I said, it’s your choice. Maging matalino ka sa desisyon.

Dr. Love

Show comments