^

Dr. Love

Batang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang gulo ng isip ko ngayon. Isa akong single parent na nagtatrabaho bilang call center agent. Kami lang ng anak kong binatilyo ang magkasama sa buhay.

Laking tuwa ko dahil nakikita kong lumalaking guwapo ang aking anak. Trese anyos na si Von ngayon. Ang balita ko nga ay may nililigawan na.

Ang hindi ko akalain ay higit na sa panliligaw ang nangyayari.

Windang ako, Dr. Love nang malaman kong nakabuntis ang aking anak. Isa na siyang batang ama. 15-ayos ang girlfriend niya at gusto ng mga magulang na panagutan ni Von ang kanilang anak.

Hindi ko po alam kung paano ko gagawin, gayong ang sweldo ko sa trabaho ay sapat lang sa pangangailangan naming mag-ina.

Nag-aaral sa public ang aking anak at na-ngungupahan po kami sa isang maliit na bahay.

Anak ko sa pagkadalaga si Von. Nang Mabutis ako ng boyfriend ko, iniwan ako at sahil dito itinakwil ako ng aking mga magulang.

Natuto akong tumayo sa sariling paa para mabuhay kaming mag-ina.

Paano na kami? Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Beng

Dear Beng,

Hindi naman masama na sabihin mo ang kalagayan ninyong mag-ina at pakiusapan ang mga magulang ng girlfriend ng anak mo na pagtulungan ninyo na matugunan ang pangangailangan ng kanilang anak . Tutal kapwa sila menor de edad.

Makabubuting paghiwalayin muna ang mga bata at sikapin na makapagpatuloy ng pag-aaral.

Paalala ko lang, hindi na makakatulong ang sisisihan.

Andyan na ‘yang problema, kaya pagtulungan na lang na lutasin alang-alang sa mga bata at sa magiging apo mo na walang kasalanan.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with