^

Dr. Love

Daring manumit ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Dan. Naiinis ako sa gf ko dahil madalas naming pag-awayan ang suot niya.  Ayoko kasi na laging daring ang dating niya.

Minsan sinabihan ko na siya na magsisimba kami, kasi ang suot niya ay hapit na hapit.  Malaki pa naman ang dibdib niya.

Hindi naman poako ganon ka-conservative. Gusto ko lang na rerespetuhin din siya ng ibang lalaki lalo na kapag kasama ko siya.

May nakita na kasi akong nabastos ng isang lalaki ‘yung babae dahil kita ang cleavage, napikon ang bf kaya pinatulan ang lalaki.

Ayokong mangyari sa amin ‘yon. Pero matigas ang ulo niya. Laging pinagmumulan ng selos ko kapag tinitingnan siya o kaya may kumakausap sa kanya.

Minsan nga nang magpunta siya sa bahay namin, Nabigla ang mama ko sa dsuot niya. Tinawag niya ako at binulungan na pagsabihan ko raw ang gf ko sa kanyang iskandalosang pananamit.

Minsan nakikinig siya, pero minsan nagugulat ako kapag nakita ko na sobrang daring na naman ng suot niya.

Sinusukan ko naman na pagbigyan siya, kaya lang hindi talaga pangkaraniwan ang pananamit niya. Hindi ako makampante sa mga isinusuot niya. Pagpayuhan po ninyo ako.

Dan

Dear Dan,

Gaano ba kalaki ang tiwala mo sa iyong gf?

Alam mo, ang mga babae gusto nila na maganda sila sa mga suot nila. Lalo na kapag kasama nila ang kanilang especial someone.

Kaya siya nagpapaganda, hindi dahil sa ibang lalaki, kundi gusto niyang makita ng iba na maganda ang gf mo.

Pero hindi kita masisisi sa pangamba mo na posibleng mabastos ang gf mo kung nakikita na ang mga parte na dapat ay nakatago lang.

Ang maipapayo ko ay huwag kang magsawa na paalalahanan siya at paliwanagan, pero tiyakin mo na hindi ka magtotonong diktador na magsasabi kung ano ang dapat at hindi niya dapat na isuot.

Bilang boyfriend, you can always suggest. Do it with love. Making her always reminded na proud ka sa kanya at hangad mo na maalagaan siya sa anumang aspeto, at maging ang inyong relasyon para marami pang taon ang ma-celebrate ninyo na magkasama.

DR. LOVE

DAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with