^

Dr. Love

May ‘something’ ang crush

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Glyne. May isang lalaki akong hinahangaan. Kaya lang naman ako na in love sa kanya dahil sobrang neat niya at maayos sa gamit. Matipuno siya, gawapo pa.

Sa araw-araw ba naman na kumakain siya sa tapsilogan namin, nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Kaya nga inspired ako na mag-serve tuwing umaga dahil inaabangan ko na ang pagdaan niya.

Hindi ko pa siya lubos na kakilala, ang alam ko empleyado siya sa katapat naming building. Mukhang sa insurance siya nagtatrabaho.

Hindi naman ako nagtataka na sa amin siya bumibili dahil sa maayos ang aming pwesto, para kang nasa fastfood sa mall.

Gusto ko sana siyang tanungin para makilala pa siya. Pero napakatahimik niya, basta kung ano lang inorder niya, ‘yun lang ang maririnig mo sa kanya.

Pero bigla akong kinutuban. Parang may something sa kanya.

Nang may nakasagi kasi sa kanya, bigla niya tinarayan at parang bading ang kanyang boses.

Sayang gwapo pa naman siya. Maa-yos pa naman siya manamit at malinis sa gamit.

Minsan na nga lang ako magkaka-crush sa bading pa napabaling ang atensyon ko. Gusto ko kasi ng lalaking malinis tingnan at mukhang maamo.

Nagdadalawang-isip ako kung kakaibiganin ko siya o hindi, kasi kahit bading siya parang bibigay pa rin ako.

Glyne

Dear Glyne,

Walang masama kung ilalapit mo ang sarili mo sa taong iyong hinahangaan.

Pero syempre, depende pa rin sa kanya kung ie-entertain ka niya.

Kung willing siyang makipagkaibigan, kaibiga-nin mo siya.Malay mo mali ang iyong akala. Marami rin kasing lalaking akala mo bading dahil sa kanilang pagiging masinop sa katawan.

Baka naman nagulat siya, kaya  naipit ang kanyang boses.

Kailangan mo pa ng panahon para lubos mo siyang makilala. Maging totoo ka lang sa sarili mo.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

vuukle comment

HANDSOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with