^

Dr. Love

Pinagseselosan ng amo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Estella.Galing akong Samar. Matagal na rin ako dito sa Maynila. Halos anim na taon pero naka-tatlong amo na ako.

Pinagseselosan ako ng misis ng amo ko dahil sa masarap akong magluto. Natatawa lang ang amo kong lalaki, kasi masaya naman ang pamil-ya nila nang kunin nila akong cook. Nagsimula lang naman ‘yun nung birthday ni kuya.

Masasarap lahat ng pagkain. Simula sa pansit, sa menudo at syempre ang paborito niyang kare- kare.

Natuwa si kuya at nakainom na, tapos nagpasalamat siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi lang naman.

Hindi ko akalaing mamasamain ni ate ang aktong pag-kiss sa akin ni kuya.

Simula noon, lagi nang tahimik si ate at hindi na sila ganoon kasaya sa pamilya. Lagi silang nag-aaway at parang pinariringgan pa ako ni ate. Kaya raw ako nalilipat dahil sa kalandian ko.

Tuloy lang naman ang trabaho ko. Nagsori na ako kay ate pero hindi pa rin niya ako ni-ngingitian.

Parang bumibigat ang pakiramdam niya sa akin. Gusto na yata akong palayasin. Ano po kaya ang maganda kong gawin?

Estella

Dear Estella,

Kausapin mo nang masinsinan ang amo mong babae.Mas mainam silang dalawa para maging malinaw ang lahat. Sabihin mong wala kang intensyon na mag-away silang mag-asawa. Kaya ka nga nasa kanila para tumulong.

Kung masyadong apektado ang babaeng amo mo, humingi ka ng palugit na makahanap ka muna ng lilipatan para hindi ka mahirapan.

At kung tanggapin ka pa rin niya. Pakiusapan mo rin ang amo mong lalaki na huwag ka nang hahalikan, bagkus magpasalamat na lang siya ng maayos.

Naniniwala  akong masaya kang magluto dahil naapektuhan ang buong pamilya sa luto mo. Huwag mo na lang pansinin kung ano pang maririnig mo sa amo mong babae. Magpa-kumbaba ka at pagpapalain ka ng Diyos.

DR. LOVE

vuukle comment

ESTELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with