^

Dr. Love

Wanted: Textmate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaka-break lang namin ng girlfriend ko, kaya tuliro ang isip ko habang mag-isa na sa fast food chain matapos niya akong iwanan.

Ako si Deo Marcial, 21-anyos at isang call center agent. Magkasama kami sa work ng girlfriend kong si Miles.

Para sa akin ang pinag-awayan namin ay maliit na bagay lang. ‘Yung paper bill na nasa akin last year ay ikinabigla kong nasa kanya na nung araw na magkasama kami.

Sadyang maliit ang mundo. Ikinagalit niya ang  nakalagay na pangalan ko roon at may cellphone number ko. Pero Dr. Love, isang taon na ang lumipas at hindi pa “kami” nun.

Nag-try lang naman ako, pero wala namang kumagat sa paghahanap ko ng textmate, ma-liban sa babaeng girlfriend ko na ngayon.

Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Miles para makapagpaliwanag. Kung bakit naman kasi, sa dinami-rami nang pwedeng makakuha ng paper bills na ‘yun, siya pa. Mahal ko si Miles kahit two months pa lang kami. Ano ang gagawin ko? Binlock na niya ako sa cellphone niya at hindi ko naman alam ang bahay niya. Ayaw din sabihin ng HR namin dahil confidential daw.

Deo

Dear Deo,

Ewan ko kung papaano mo siya matutunton, pero kung sincere ka talaga, gagawa at gagawa ka ng paraan para mahanap mo siya.

Take some efforts to find her pero huwag mong ubusin ang buong buhay mo sa paghahanap. Kung wala na siya talaga, forget her at ipagpatuloy mo ang iyong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with