Halik
Dear Dr. Love (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2019 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nagseselos ang bakla sa akin dahil nakita niyang naghahalikan kami ng boyfriend niya.

Ang hindi niya alam, prank lang ‘yun. Kinausap ako ng bf ni bakla  para i-try na pagselosin siya.

Tiwala sa amin si bakla dahil matagal na kaming magkakaibigan. Pero ang hindi niya alam, crush ko ang bf niya. Kahit ganon, ni minsan hindi ako nakita ni bakla na nilalandi ang bf niya. Ayokong masira ang friendship namin.

Kaso nakiusap ang bf niya na minsan lang daw,  subukan na pagselosin.  Pumayag ako. Ang usapan, smack kiss lang ang gagawin namin. Kaso sa kakapraktis namin, nauwi sa totoong halikan. Bumigay ako dahil nadala ako sa aking nararamdaman. Sakto, biglang dating si bakla. Hayun laking galit ni bakla sa akin. Nanghihingi ako ng sorry pero ayaw na niyang entertainin ang mga text at chat ko.

Hindi ko ginusto ang balak ng bf niya pero inaamin kong may pagkakamali ako.  Kung mababasa ni bakla itong column ninyo, sana mapatawad na niya ako.

Stormie

Dear Stormie,

Ang buo kong akala ay babae ka. Bading ka rin pala. Naku napakalaking kamalian ang ginawa ninyo. Oo sa inyo hindi mabigat iyon dahil biruan lang. Pero sa kaibigan mo na si bakla, mabigat ‘yun. Pwedeng matanggap niya iyon pero hindi na niya maitatago ang kanyang nararamdaman.

Tama lang na mag-sorry ka sa kanya. At mangako ka na hindi mo na ito uulitin. Next time think before you kiss. Sana mapatawad ka niya.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with