^

Dr. Love

Walang peace of mind

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kasalukuyan akong nagpoproseso ng papers ko pa­puntang abroad. May girlfriend ako at may isang anak kami. Kaya lang nitong huli ay nagkakalabuan kami, sa hindi ko pa rin malaman na dahilan.

Bago naman ako nag-submit ng application ay nag-usap kami tungkol sa pag-alis ko. Next month na ang flight ko papuntang Dubai pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Ang masaklap pa rito ay inilayo niya ang aming anak sa akin.

Umuwi sila ng Cavite, sa bahay ng mga magulang niya. Hindi palagay ang loob ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa simula palang ay tutol sila sa relasyon namin. Kasal ako sa una kong asawa pero wala kaming anak.

Ang totoo, ako ang iniwan ng una kong misis sa pag-aakalang baog ako. Ipinagpalit niya ako sa kababata niya, may mga anak na rin sila.

Wala tuloy akong kapanatagan sa nalalapit ko nang pag-alis. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat in advance. More power!

Mikoy

Dear Mikoy,

Komplikado pala ang sitwasyon ninyo ng girlfriend mo. Pero hindi mo malalaman ang dahilan nang hindi niya pagkibo sa’yo kung hindi ka mag-e-effort. Madalas hina­hanap ng partner natin ang extra effort para maramdaman ang value niya sa relasyon ninyo. Tutal naman, next month pa ang flight mo, sadyain mo ang mag-ina mo. Kasama mong suyuin ang mga magulang niya para makapag-usap kayo. Sikapin mo rin na maiayos ang lahat sa pagitan ninyo ng girlfriend mo. Hindi ako pabor sa annulment pero kung wala nang daan para magkabalikan kayo ng misis mo dahil may sarili na siyang pamilya, makakabuti na maging legal ang pagkakanya-kanya ninyo. Hangad ko na matamo mo ang peace of mind na kailangan mo bago ka makaalis papuntang abroad.

DR. LOVE

vuukle comment

DRLOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with