^

Dr. Love

Biyudo, nililigawan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa pong mapayapa at pinagpalang araw sa inyo.

Tawagin n’yo na lang akong Rosendo, 45- anyos. Noong isang taon ay namatay ang aking asawa dahil sa isang malagim na aksidente sa sasakyan.

Naiwan niya sa akin ang dalawa naming anak na ang isa’y nasa high school at ang isa ay graduating na sa college.

Mayroon po akong kaibigang babae na napakalapit at napakabait sa akin. Ang edad niya ay 43-anyos. May kaya siya at isa ring biyuda. Madalas kapag nagkukulang ako sa pinansyal, sa kanya ako nagpapasaklolo. Kapag nagbabayad ako ng utang ay ayaw niyang tanggapin.

Minsan, sinabihan niya ako na, bakit hindi raw kami magsama para sama-sama naming maitaguyod ang dalawa kong anak. Nabigla ako. Kaibigan ko siya pero hindi ko akalaing sasabihin niya ‘yun sa akin.

Ang sabi ko’y pag-iisipan kong mabuti. Wala akong romantic feelings para sa kanya pero parang naiisip ko na tila mabuti nga kung pakasalan ko siya. Ano ang masasabi ninyo?

Rosendo

Dear Rosendo,

Kung mahal mo siya at mahal ka niya, walang masamang magpakasal kayo. Pero kung ang pagpapakasal ay for convenience lang, huwag na lang at hindi maganda ang ibubunga ng ganyan. Mag-usap kayong mabuti. Tanungin mo ang iyong sarili kung posibleng ma-develop ang pagmamahal mo sa kanya.

Sa gulang ninyo ngayon, nagtitiwala naman ako na may sapat kayong dunong para magpasya ng tama.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with