Ang lihim ni Teena

Dear Dr. Love,

Sumainyo ang puspos na pagpapala ng Diyos­ sa pagtanggap sa aking sulat. Matagal­ na po akong reader ng Pilipino Star NGAYON­ lalo na ng kolum na Dr. Love.

Una’y nahihiya akong sumulat. Ngunit nila­kasan ko na ang loob ko at sana’y huwag mo na lang sabihin ang buo kong pangalan. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Teena.

Nakakahiyang sabihin pero anim na buwan akong nakikipag-live-in sa aking college professor. Nabuntis ako kaya nagtungo ako sa isang malayong lalawigan, sa mga ka­anak ng best friend ko, dahil natatakot ako sa maa­aring mangyari kapag nalaman ito ng aking­ mga ma­gulang. Kahit ang professor ko na naging­ ka­relasyon ko ay hindi alam kung nasaan ako.

Matagal na akong hindi nakikita ng aking pamilya. Mga tatlong buwan na akong hindi umuuwi at hinihimok na ako ng mga magulang ng friend ko na umuwi na at magsabi nang totoo sa aking mga magulang.

Mayroong kamag-anak ang aking friend na gustong ampunin ang aking isisilang na anak.

Tama ba ang gagawin ko kung ipaaampon ko ang magiging baby ko?

Teena

Dear Teena,

Bumalik ka sa mga parents mo at magsabi ng totoo. Sa problema mo ngayon, wala kang ibang makakaramay kundi mga kaanak mo, lalo na ang iyong mga magulang.

Kung ako ang nasa kalagayan ng parents mo, baka inatake na ako sa puso dahil ang tagal mo nang nawawala.

By the way, binabalitaan mo ba ang mga pa­rents mo? Sige ka. Baka kung ano na ang nang­yari sa kanila dahil sa ginawa mo.

Walang magulang na makatitiis sa anak at nani­niwala akong magalit man sila sa umpisa ay mauunawaan ka nila. Kaya huwag kang ma­takot na humarap sa kanila. Nakagawa ka ng mali, ituwid mo at harapin ang bunga ng iyong kamalian.

Dr. Love

Show comments