^

Dr. Love

Gustong bumawi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpasya po akong hiwalayan ang asawa ko pagkaraang matuklasan na nagkaroon siya ng mga babaeng karelasyon, tatlo Dr. Love at kasama roon ang asawa ng kaibigan ko.

Masakit malaman na niloko ka ng asawa mo, pero mas doble ang sama ng loob dahil kakilala mo pa ang isa sa mga babaeng kalandian niya. Hiwalay si Mimi sa kaibigan kong si Ricky. Nasa babae ang kanilang mga anak dahil malaki ang kita nito.

Mahilig naman sa marangyang buhay ang asawa ko, kaya marahil nagkamabutihan sila ni Mimi.

May tatlong taon na po kaming hiwalay ng mister ko, Dr. Love at ngayon ay nagbabalik siya. Pero ilang beses na niyang ginawa ang paghingi ng tawad, wala namang pagbabago. Sila pa rin ni Mimi.

Minsan naisipan kong makipag-flirt kay Ricky at kinunan ko ito ng video, balak kong ipadala ang video kay Mimi at Ricky para sila naman ang masaktan. Hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin ito nagagawa. Tama po ba ang balak ko, Dr. Love? Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Chay

Dear Chay,

Isipin mo, kapag naipadala mo na ang video sa hangarin masaktan sila, sa palagay mo ba hindi ka maaapektuhan? May garantiya ba na ang inaasahan mo ang magiging reaksiyon nila? Baka naman mas lalo mong ipaghinanakit kapag  nag-react na sila.

Tutal naman, wala ka nang nararamdam para sa asawa mo, bakit pag-aaksayahan mo pa siya ng panahon. Move on at umpisahan mo ang magbagong buhay. Magandang pagkakataon ang pagpapalit ng taon para makapagsimula ka uli.

Unahin mong gawin legal ang paghihiwalay ninyo ng dati mong mister.

DR. LOVE

ANG

DEAR CHAY

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

HIWALAY

ISIPIN

MAGANDANG

MIMI

RICKY

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with