Castro itinangging next DOJ chief

Wala pang shortlist - Palasyo
MANILA, Philippines — Itinanggi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na siya ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na Justice Secretary.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Castro na hindi niya alam kung saan nagsimula ang isyu na siya ang ipapalit kay dating Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na itinalaga kamakailan na Ombudsman.
“Hindi po natin alam kung saan nagsimula yan so wala pong katotohanan yan,” pahayag pa ni Castro.
Sa tanong kung mayroon ng shortlist para sa mga kandidato na papalit kay Remula, sagot ni Castro, wala pang naibibigay na detalye sa kanya.
Sa ngayon hindi naman aniya masagot ni Castro kung tatanggapin niya ang alok bilang susunod na DOJ Secretary.
Matatandaan na itinalaga si Justice Undersecretary Fredderick Vida bilang acting chief ng DOJ matapos ang appointment ni Remulla.
Si Vida rin ang in-charge sa finance, administrative service at personnel cluster ng DOJ.
Samantala, itinanggi naman ni Castro na ang pagtatalaga kay Remulla bilang bagong Ombudsman ay para unahin ang mga kaso laban kay Vice President Sara Duterte dahil ang Ombudsman.
“Ang Ombudsman ay para sa lahat, hindi para sa iisang direktiba lang ng isang grupo,” sabi pa ni Castro.
- Latest

















