^

Bansa

7-year limit sa kwalipikadong 4Ps members inalis na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
7-year limit sa kwalipikadong 4Ps members inalis na
Ginawa ng Pangulo ang hakbang kasunod na rin ng rekomendasyon ng National Advisory Council para sa extension bilang paraan para maibsan ang epekto ng krisis sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.
STAR / Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig ng 7-year limit para sa kwalipikadong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries. Ito’y batay sa Executive Order No. 120 na nilagdaan ni PBBM nitong July 13, 2026.

Ginawa ng Pangulo ang hakbang kasunod na rin ng rekomendasyon ng National Advisory Council para sa extension bilang paraan para maibsan ang epekto ng krisis sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Batay sa EO, maaari pa ring makatanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo hangga’t sila ay nananatiling kabilang sa Level 1 o survival at Level 2 o subsistence batay sa Social Welfare and Development Indicator (SWDI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa kautusan, isinasaalang-alang ng pamahalaan ang naging epekto ng nagdaang pandemya na nagpababa sa kita ng maraming pamilya at nakaantala sa kanilang pag-unlad.

Sinasabing layunin ng EO na matiyak na patuloy na makatatanggap nang sapat na suporta ang mga benepisyaryo hanggang sa maabot nila ang antas ng pagiging self-sufficient o sapat na ang kakayahan para matustusan ang kanilang pangangailangan.

Inatasan din ang DSWD na palakasin ang case management system at gamitin ang mas pinaigting na SWDI upang masuri kung handa nang makapagtapos sa programa ang bawat benepisyaryo.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with