Remulla: Kaso vs Chiz, Joel tuloy

MANILA, Philippines — Patuloy na iniimbestigahan ng Ombudsman ang kaso nina Sens. Joel Villanueva at Chiz Escudero kaugnay ng umano’y kickback sa flood control anomaly.
Ito ang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa gitna ng alegasyon na pinupuntirya lamang ng kanyang tanggapan ang mga kasong kinasasangkutan ng minorya sa Senado.
Si Villanueva ay isinangkot ni dating Bulacan First District engineer Henry Alcantara na umano’y tumanggap ng P150 milyon mula sa P600-milyong multi-purpose building project sa Bulacan. Si Escudero naman ay sinasabing nakinabang din sa kickback mula sa maanomalyang flood control projects ng gobyerno. Mariing itinanggi ng dalawang senador ang mga akusasyon.
Binigyang-diin ni Remulla na walang katotohanan ang alegasyong pinupuntirya ang minorya dahil aniya, ilan sa mga nakakulong ay kaalyado pa ng kanyang tanggapan.
Unang pinaghinalaan ng publiko na hindi mahahabol ng korte sina Escudero at Villanueva dahil kabilang na ang mga ito sa mayorya sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Win Gatchalian.
- Latest



















