^

Bansa

Diplomatic protest ikinasa vs China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Diplomatic protest ikinasa vs China
Ayon sa DFA, ang protesta ay bunsod ng serye ng mga op-ed video at editorial cartoons na tumutukoy sa 2016 South China Sea Arbitral Award, kabilang ang isang AI-generated na video na inilathala sa Facebook page nito noong Hulyo 10, 2026.
STAR/ File

Mga Pinoy inihambing sa unggoy

MANILA, Philippines — Pormal na naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China sa ginawang mapanira at “racist” na paghahalintulad sa mga Pilipino sa unggoy na inilabas ng state-owned media na China Daily.

Ayon sa DFA, ang protesta ay bunsod ng serye ng mga op-ed video at editorial cartoons na tumutukoy sa 2016 South China Sea Arbitral Award, kabilang ang isang AI-generated na video na inilathala sa Facebook page nito noong Hulyo 10, 2026.

Ayon sa DFA, ang naturang video ay nagpakita ng karakter na unggoy na nakasuot ng tila Barong Pilipino at tinamaan ng water cannon, bagay na tinuligsa ng kagawaran bilang “blatantly demeaning, dehumanizing, and racist.”

“We draw a firm line at the depiction of Filipinos as monkeys in the 10 July 2026 video, which is deeply offensive, distressing, and unacceptable. Disagreement over legal and political issues does not justify resorting to disturbing imagery, which has no place in the civil public discourse of a responsible state,” pahayag ng DFA.

Matatandaan na noong Hulyo 16, 2026, personal na ipinarating ni Foreign Affairs Undersecretary Leo Herrera-Lim ang pagtutol ng Pilipinas kay Chinese Ambassador Jing Quan sa isang face-to-face meeting. Iginiit ng opisyal na ang ganitong uri ng materyal ay labag sa kapwa respeto na ina­asahan sa pagitan ng mga estado at hindi nakatutulong sa maayos na pamamahala ng ugnayan ng dalawang bansa.

Nagpadala rin ng pormal na liham ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing sa Editor-in-Chief ng China Daily upang ulitin ang demand na tanggalin ang nakakasakit na content.

Kasabay nito, nanawagan ang DFA para sa “immediate cessation of such irresponsible content” at hinimok ang China na “uphold dignity, respect, and truth in public discourse.”

Nagbabala ang kagawaran na ang ganitong uri ng imahe at maling impormasyon ay “lalo lamang nagpapalawak ng kawalan ng tiwala” sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa kabila ng protesta, iginiit ng DFA na nananatili itong bukas sa diyalogo at diplomasya, ngunit hindi mag-aatubiling tuligsain at labanan ang anumang uri ng diskriminasyon at mapanirang retorika laban sa mga Pilipino saan man ito magmula.

DFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with