Tranquil IV, top 5 sa Physician exam

Top 4 Jon Michael S. Kimpo 88.42% at Top 5 Tranquil Mathew A. Salvador IV 88.17%

MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang pagsisikap ng anak ng kilalang abo­gado na si Tranquil Ger­vacio S. Salvador III matapos na mag-top 5 sa nagdaang October 2023 Physical Licensure Examination.

Sa Facebook post ng University of the Philip­pines (UP)-Manila, nasa 164 ang pumasa mula sa kanilang unibersidad kabilang ang mga topnotchers na sina Jon Michael S. Kimpo, top 4, at Tranquil Mathew A. Salvador IV, bilang top 5.

Si Tranquil IV ay panganay na anak nina Roselle at Tranquil Gervacio S. Salvador III na kilala at respetadong abogado, dean at law professor na nagsilbi ring past District Governor ng Rotary International District 3810.

Ipinagmalaki ng UP-Manila ang muling pagiging Top Performing School nito matapos silang makakuha ng 97.62 passing percentage sa nasabing licensure exam.

Show comments