^

Bansa

Budget ng CHR ibinitin sa Senado dahil sa posisyon sa abortion

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y pagsuporta sa decriminalization sa abortion kaya nabinbin ang pag-apruba ng Senado sa P934 milyon na budget ng Commission on Human Rights (CHR) para sa 2024.

Ito ay matapos na ungkatin ni Senator Alan Peter Cayetano sa gitna ng budget deliberation ang report na sinusuportahan ni CHR Executive Director Jacqueline De Guia ang decriminalization sa abortion.

Sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na hindi nila tatalakayin ang budget sa plenaryo hanggat walang opisyal na posisyon ang CHR ukol sa legalisasyon ng abortion.

Kinumpirma naman ni De Guia sa pamamagitan ni Estrada na noong siya ang tagapagsalita ng CHR ay nagpahayag siya ng pagsang-ayon na huwag nang ituring na krimen ang abortion.

Subalit nilinaw niya na hindi siya pabor dito.

Paliwanag naman ni Estrada na bilang katoliko ay tutol siya sa abortion at kung pabor dito ang CHR ay hindi niya dedepensahan ang pondo ng ahensya.

Sinang-ayunan naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Majority leader Joel Villanueva ang pagpapaliban sa deliberasyon sa budget ng CHR at dapat na linawin muna nito ang kanilang posisyon ukol sa abortion kung saan dito babatay ang Mataas na Kapulungan kung susuportahan o hindi ang hinihinging budget.

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with