^

Bansa

Pinoy boss ng 'Bench' nilibre sa Disneyland 475 empleyado

Philstar.com
Pinoy boss ng 'Bench' nilibre sa Disneyland 475 empleyado
Litrato ng nasa 475 empleyado ng Bench na dinala ng negosyanteng si Ben Chan sa Hong Kong Disneyland
Mula sa Instagram account ni Ben Chan

MANILA, Philippines — Matindi-tinding "blowout" ang hatid ng Filipino-Chinese entrepreneur na si Ben Chan, ito matapos niyang dalhin sa Hong Kong ang daan-daang empleyado ng kanyang clothing brand.

Ito ang ibinahagi ng Bench founder sa kanyang Instagram account nitong Martes sa paggunita nila ng kanilang ika-35 na anibersaryo.

"Grateful beyond words for the incredible journey with my BENCH family," wika ni Chan sa kanyang paskil kahapon.

"Our 475 loyal employees are the heart of this celebration as we embrace the magic of HK Disneyland."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ben Chan (@bcbench)

Pinasalamatan din ni Chan ang ilan sa kanyang mga tauhang may kapansanan. Kabilang na riyan sina Mark Sampang, Louie Dulay at John Ryan Cruz at 10 hanggang 16 na taon nang nagtratrabaho sa kumpanya.

Bagama't pipi't bingi, sobra-sobra na aniya ang mensaheng dala ng hindi mapantayang dedikasyon at loyalty ng mga nabanggit.

"Here's to more dreams fulfilled together!" kanyang panapos.

Hinangaan pati ng mga local celebrities gaya nina Kuya Kim Atienza, David Licauco, Tintin Bersola-Babao, Isabella Daza, atbp. ang ginawang ito ng naturang bossing.

Kamakailan lang nang mag-organisa ang naturang fashion brand ng fan meets para sa Korean stars na sina  Wi Ha-jun, Kim Seon-ho sa Pilipinas, bukod pa sa K-pop group na ITZY. — James Relativo

vuukle comment

BEN CHAN

BENCH

DISNEYLAND

HONG KONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with