^

Bansa

Napinsala ni 'Egay' sa imprastruktura lumobo sa P3.55-B

James Relativo - Philstar.com
Napinsala ni 'Egay' sa imprastruktura lumobo sa P3.55-B
Residents wade through floodwaters left by torrential rains of Typhoon Doksuri in Calumpit, Bulacan province on July 29, 2023.
AFP/Earvin Perias

MANILA, Philippines — Umaakyat pa rin ang bilang ng iniwanang pinsala ng nagdaang Super Typhoon Egay at Hanging Habagat sa imprastruktura at agrikultura, kahit na matagal-tagal na itong wala sa Philippine area of responsibility.

Sa huling taya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes, umabot na sa 2.93 milyong katao ang nasalanta ng bagyo kabilang ang:

  • patay: 27
  • sugatan: 140
  • nawawala: 13
  • napalikas: 288,039
  • nasa loob ng evacuation centers: 57,532
  • nasa labas ng evacuation centers: 230,507

Matatandaang nagdulot ng mga pagbaha, pagguho ng lupa, pagtumba ng mga puno, insidente sa katubigan, sinholes at buhawi buhat ng naturang bagyo.

Naitala ang mga nasalanta sa mga sumusunod na lugar:

  • Ilocos Region
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • Northern Mindanao
  • Davao Region
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
  • Cordillera Administrative Region
  • National Capital Region

Dahil sa naturang bagyo, nakasailalim pa rin sa state of calamity ang nasa 196 lungsod at munisipalidad.

Buhat nito, may mga awtomatikong nagpapatupad ng price freeze sa mga naturang lugar pagdating sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bilyun-bilyong pinsala

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 3,550,643,255.78 was reported in Region 1, Region 2, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6,
Region 11, Region 12, BARMM, CAR," paliwanag pa ng NDRRMC.

Ang bilang na ito ay bukod pa sa 55,584 kabahayang napinsala ng bagyo at pinalakas nitong Hanging Habagat. 53,358 dito ay bahagyang pagkasira habang wasak na wasak naman ang nasa 2,226 kabahayan.

Pagdating sa agrikultura, umabot na sa P1.91 bilyong halaga ang naitatalang production loss na siyang nagpaaray sa nasa 115,692 magsasaka at mangingisda.

Ang napinsalang taniman ay umabot na sa 142,623 mahigit na ektaryang lupain.

Bilang tugon, nakapagbigay naman na ng P239.22 milyong halaga ng ayuda sa porma ng cash assistance, inuming tubig, family food packs atbp.

Nagmula ang mga nabanggit na tulong sa Department of Social Welfare and Development, local government units, non-government organizations, office of Civil Defense, mga pamahalaang panlalawigan, mga pribadong indibidwal atbp.

vuukle comment

EGAY

HABAGAT

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SUPER TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with