^

Bansa

10-14 bagyo papasok sa huling 6 na buwan - PAGASA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
10-14 bagyo papasok sa huling 6 na buwan - PAGASA
Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Analisa Solis, ang ilan sa papasok na bagyo ay posibleng mag-landfall habang ang iba ay daraan lamang ng Philippine area of responsibility (PAR) pero paiigtingin nito ang habagat.
PAGASA

Kahit may El Niño

MANILA, Philippines — Kahit nararanasan ng bansa ang epekto ng El Niño Phenomenon, mayroon pa ring nagbabadyang 10 hanggang 14 bagyo na inaasahang papasok sa bansa sa loob ng natitirang buwan ngayong 2023.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Analisa Solis, ang ilan sa papasok na bagyo ay posibleng mag-landfall habang ang iba ay daraan lamang ng Philippine area of responsibility (PAR) pero paiigtingin nito ang habagat.

Sa kabuuan ay hanggang 17 bagyo ang tatama sa bansa ngayong taon.

Sinabi ni Solis na titindi ang epekto ng El Niño sa pagitan ng December 2023 hanggang February 2024 pero dahil sa habagat na umiiral tuwing Hulyo, Agosto at Setyembre ay maaaring magkaroon ng mga pag-ulan at makatulong itong mapataas ang water level sa mga dam.

Ang bahagi ng Mindanao ang pinaka maapektuhan ng El Niño dahil sa kakulangan ng tubig sa naturang rehiyon.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with