^

Bansa

PAGASA: 4 na bagyo posible pumasok sa PAR ngayong Hulyo

James Relativo - Philstar.com
PAGASA: 4 na bagyo posible pumasok sa PAR ngayong Hulyo
Trucks and some light vehicles brave the heavy flooding while some residents frolic in the torrential rains due to the enhanced southwest monsoon along España Boulevard in Manila on Saturday midnight, July 24, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Marami-raming bagyo ang inaasahang pumasok ng Philippine area of responsibility sa darating na buwan ng Hulyo—at ang ilan dito ay posibleng mag-landfall.

Ito ang ibinahagi ni DOST-PAGASA weather specialist Benison Estareja ngayong Huwebes. "Pagsapit po ng buwan ng Hulyo, possible po ang between three to four na mga bagyo na papasok po dito sa ating Philippine area of responsibility," ani Estareja sa weather forecast ngayong Huwebes.

"Possible itong mag-landfall dito sa may mainland Luzon or eastern Visayas or mag-enhance ng Habagat dito sa western sides ng Luzon and Visayas kaya lagi tayong magmo-monitor."

Apektado pa rin ng hanging habagat (southwest monsoon) ang malaking bahagi sa ngayon ng bansa, partikular na ang Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Dahil dito, marapat na asahan na raw ang mga pag-ulan ngayong araw.

May mga kumpol din ng ulap na namataan sa silangan ng Visayas na lalapit sa Southern Luzon, pero hindi naman daw ito dapat ikabahala wika ng PAGSA.

"Mababa po ang tiyansa na ito ay magiging bagyo," dagdag pa ni Estareja.

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na inaasahan kahit na patataasin ng El Niño ang posibilidad ng below-normal rainfall conditions, maliban sa kanlurang bahagi ng bansa na uulanin nang husto dahil sa Habagat.

vuukle comment

HABAGAT

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

TROPICAL CYCLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with