^

Probinsiya

Drug dealer utas sa buy-bust

Diana Lhyd Suelto - Pilipino Star Ngayon
Drug dealer utas sa buy-bust
Kinilala ang nasawing suspek na si John Rey Dedoro, alias Part, 26,residente ng Rasay St. Brgy. Toril Poblacion, Toril, Davao City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang lalaki na umano’y drug dealer sa naganap na buy-bust operation sa Purok, 13, Brgy. Lubogan, Toril, Davao City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing suspek na si John Rey Dedoro, alias Part, 26,residente ng Rasay St. Brgy. Toril Poblacion, Toril, Davao City.

Ayon sa ulat ng pulisya na ang insidente ay naganap nang makabili ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek ng isang pirasong medium sized shabu na tumitimbang ng 4.35 gramo.

Subalit nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon at sa halip na sumuko ay binunot umano nito ang kanyang .38 caliber revolver sa bewang at binaril ang katransaksiyon na pulis na agad nakailag.

Gumanti ng putok ang nasabing pulis at pinagbabaril ang suspek na nasugatan at dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Nasamsam sa suspek ang isang cellular phone at isang supot na naglalaman ng tatlong paketeng shabu na tumitimbang ng 18.87 gramo na may street value na P301,920.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with