4 pang suspek sa Degamo slay, sumuko

Image from the Facebook page of slain Negros Oriental governor Roel Degamo shows the nine persons killed in the attack in Pamplona last Saturday.

MANILA, Philippines — Apat pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ang sumuko kahapon, ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Sinabi ni Remulla na mga “major players” umano ang apat na bagong sumuko na pawang mga dating sundalo.

Idinagdag pa ng kalihim na halos lahat ng kabilang sa “attack team” ay nasa kustodiya na ng gobyerno. May tatlong tao na lamang silang hinahanap sa ngayon.

Hindi pa umano nakapagbibigay ng pahayag ang apat na sumuko at inaasahan na ibibigay nila ito sa DOJ.

“Wala pa. May debriefing na sila but it’s for purposes of military intelligence but we’ll be getting it. Ito sila mismo ang sumuko. They arranged for their own surrender,” saad ni Remulla.

Una nang sumuko ang apat na suspek, kasunod ang isa pa nitong nakaraang Lunes.

Show comments