House bill na 56 retirement age ng government workers lusot na

Sa botong 268-1-1, ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 206 kung saan aamyendahan ng pa­nukala ang The Go­vernment Service Insu­rance System Act of 1997 (Republic Act 8291).
Aaron Favila via AFP / pool

MANILA, Philippines — Lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang ibaba sa edad 56-anyos ang optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno mula sa 60.

Sa botong 268-1-1, ganap na napagtibay ang House Bill (HB) 206 kung saan aamyendahan ng pa­nukala ang The Go­vernment Service Insu­rance System Act of 1997 (Republic Act 8291).

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang panukalang batas ay magbibigay sa mahigit isang milyong empleyado ng gobyerno na magretiro ng maaga.

“They can opt to quit working, receive their bene­fits, do other activities, and enjoy life in retirement with their loved ones even before they become senior citizens,” ayon kay Romualdez.

“It’s surely more fun to live life without work-related stress,” dagdag ng Speaker.

Idinagdag pa dito na ang mga Pinoy ay mas makakapahinga ng maaga at mabubuhay ng mas mahaba pa dahil ang kanilang life span ay mas maigsi kaysa iba pang lahi.

Show comments