Army, tumulong na sa search ops sa missing Cessna plane  

Search and rescue teams of the 95th Infantry Battalion (95IB), 5th Infantry Division are pictured scouring the Sierra Madre mountains in search of passengers of a missing Cessna plane from Isabela province on January 27, 2023.
Released / Philippine Army

MANILA, Philippines — Tumulong na rin ang tropa ng Philippine Army sa search operation sa nawawalang Cessna plane na may sakay na anim katao.

Ayon kay Army Spokesman Col. Xerxes Trinidad, pinakilos na ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang tropa ng Army’s 95th Infantry Battalion (IB) para suyurin ang kagubatan na posibleng kinaroroonan ng bumagsak na Cessna.

Ang single-engined Cessna plane ng Philippine Air Force ay napaulat na nawawala matapos mag-take off sa Cauyan Airport, Isabela noong hapon ng Enero 23.

“Search and rescue teams of the 95th Infantry Battalion (95IB), braved the inclement weather as they continue to search for the missing passengers of the ill-fated plane that crashed in the Sierra Madre mountains of Isabela,” pahayag ni Trinidad.

Lulan nito si Captain Eleazar Mark Joven, Tom Josthle Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra at Josefa Perla Espana.

Sinabi ni Trinidad na nag-deploy sila ng search and rescue squads na binubuo ng 33 personnel sa Brgy. Dicambangan, Divilacan, Brgy. Sapinit, Divilacan at Brgy. Dibuluan, San Mariano. Ang nasabing aircraft ay dapat magla-lan­ding sa Maconacon airport pero hindi ito nakarating.

Nakapokus ang rescue team sa Brgy. Dicaruyan na bulubunduking bahagi ng Divilacan, matapos na isang magsasaka ang makapagsabi na nakita niya pa ang eroplano na lumilipad sa himpapawid ng kabundukan ng Divilacan.

Pinapurihan naman ni Brawner ang 95th IB search and rescue teams sa dedikasyon ng mga ito na marekober ang mga nawawalang pasahero ng bumagsak na Cessna.

Show comments