Teves Cares sa DZRH

TEVES CARES: Mula kaliwa: DJ Raqiterra, Kuya Cong. Arnie Teves; Atty. Rudolf Steve E. Jularbal, VP for Legal and Station Manager; Mr. Jose Ma. Parroco, VP for Sales and AM Operations.
Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Pormal na pinalagda ng DzRH bilang bagong makakasama sa himpilan si Negros Oriental Rep. Arnie “Kuya” Teves ng kontrata para programa nitong Aksyon! Tulong! Solusyon.

Kilala ang mambabatas na si Kuya Cong Teves sa pagiging matulungin kung saan patok at laging viral ang mga post at live sa kanyang Facebook account.

“Sinimulan ko lang ito, hindi para sa pulitika bagkus ay maka-entertain at maka­tulong ng konti sa ­kapwa at labis akong natuwa dahil marami ang naka-appreciate ng aking Teves Cares Live,” sabi ni Teves.

Ang Teves Cares Live: Aksyon, Tulong, Solusyon ay e-ere sa DzRH simula Enero 7, 2023 tuwing Sabado sa ganap na alas-6 hangang alas-7 ng gabi.

Show comments