^

Bansa

Nasabat na puslit na sibuyas, ibebenta sa Kadiwa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Nasabat na puslit na sibuyas, ibebenta sa Kadiwa
Ang nasabat na mga puslit na sibuyas na nagkakahalaga ng nasa P30 milyon sa isinagawang operasyon sa isang bodega sa Tondo, Maynila
Miguel De Guzma

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipagbili sa mga Kadiwa stalls sa mas murang halaga ang saku-sakong puting sibuyas, na nakumpiska kamakailan ng mga otoridad sa Divisoria, Maynila.

Tiniyak naman ni Department of Agriculture (DA) deputy spokesperson Rex Estoperez na isasailalim muna nila ang mga sibuyas sa phyto­sanitary inspection bago tuluyang maipagbili sa Kadiwa stalls.

“Ang tanong namin ay kapag ‘yan ba ay nilabas sa merkado, sa Kadiwa, ligal o maayos ba ‘yan? Bago natin ilalabas ‘yan, tignan muna kung safe ‘yan o hindi kasi hindi natin masasabi,” aniya sa panayam sa radyo.

Dagdag pa niya, sinabi na rin ni DA Undersecretary Domingo Panganiban, na kung mapatunayang ligtas kainin ay ipagbibili nila sa murang halaga ang mga sibuyas sa Kadiwa stalls upang mapakinabangan ng ating mga kababayan.

Nabatid na ang mga naturang sibuyas ay nag­kakahalaga ng P30 mil­yon, ay pinaniniwalaang ipinuslit papasok ng bansa.

Dinala na ang mga ito sa bodega ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa imbentaryo, sakay ng truck ng Philippine National Police (PNP).

Una nang sinabi ng BPI na ang mga naturang sibuyas ay walang phytosanitary permit.

Nangangahulugan umano ito na maaaring hindi ito ligtas para sa human consumption, bunsod ng posibilidad na mayroon itong taglay na mga kemikal.

Dapat sana ay isi-shred ang mga sibuyas at saka gagawing pataba.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with