^

Bansa

Pinsala ni Karding sa agri, higit P3 bilyon na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pumalo na sa mahigit P3 bilyon ang iniwang pinsala ni supertyphoon Karding sa sektor ng agrikultura.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, tumaas na sa P3,076,968,120.04 ang pinsala ni Karding sa agrikultura habang nasa P14,141,725 naman sa livestock, poultry at pa­ngisdaan.

Nairekord naman sa104,500.90 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan habang 166,630.11 hektarya ng mga pananim ang nasalanta.

Inulat din ng NDRRMC, na nasa 247,016 pamilya o kabuang 913,893 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyo sa pitong rehiyon habang nasa 47,388 ang nasira ang mga ta­hanan.Karamihan sa mga ito ay nanuluyan sa mga evacuation centers habang ang iba naman ay sa kanilang mga kamag-anak sa mga matataas at ligtas na lugar.

Nasa kabuuan namang 57,080 mga bahay at 43 imprastraktura ang napinsala ng bagyo.

Magugunita na Set­yembre 25 nang hagupitin ni supertyphoon Karding ang Luzon kung saan pinakagrabeng naapektuhan ang Quezon.

Nagkaroon din ng ma­tinding flashflood sa Bulacan kung saan nagbuwis ng buhay ang apat na rescuer sa bayan ng San Miguel matapos na mabagsakan ng gumuhong pader ang sinasakyan ng mga itong bangka sa kasagsagan ng panana­lasa ni Karding.

Nanatili naman sa 12 katao ang death toll ng bagyo, 52 ang nasugatan at anim na mangingisda ang nawawala.

vuukle comment

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with