^

Bansa

SIM Card Registration: Solusyon vs text scams

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na dapat magkaroon na ng SIM registration law para matukoy ang pinagmumulan ng mga text scams na sinasabing malaki ang maitutulong upang makasuhan ang mga nasa likod nito.

Sa pagdinig ng Senado tungkol sa patuloy na paglaganap ng text scams, ipinaliwanag ng National Privacy Commission (NPC) na tinatapos pa nila ang imbestigasyon sa text scams katuwang ang NBI at PNP.

Sa ngayon, ayon sa ahensya, wala pa silang nakikitang insidente ng breaching.

Kasabay nito, inihirit ni Sen. Nancy Binay sa NPC na agad tapusin ang kanilang imbestigasyon.

Sa pagdinig, sinabi rin ni DICT Secretary Ivan John Uy na may nilagdaan silang memorandum of understanding o MOU kasama ang Singaporean ICT Ministry para sa pagbabahagi ng kaalaman sa kung paanong mapagbubuti pa ang digital response sa mga cyber-related issues.

Inirekomenda naman ng NTC na gayahin ang approach ng International Telecommunication Union (ITU) sa pagtugon sa mga text scams.

Sumang-ayon din ito na isa sa mga solusyon ang pagkakaroon ng SIM registration law kaakibat ang paghikayat sa publiko na sundin ang payo ng gobyerno kapag nakatatanggap sila ng unwanted messages.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with