^

Bansa

Senate probe sa sugar importation, overpriced laptops kasado na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Senate probe sa sugar importation, overpriced laptops kasado na
Students attend a class at Ricardo P. Cruz elementary school in Taguig City, suburban Manila on Dec. 6, 2021, after authorities loosened COVID-19 restrictions to allow limited in-person classes in the capital city.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Itinakda na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon kaugnay sa naharang na importasyon ng asukal at sa pagbili ng overpriced na laptop para sa mga public school teachers.

Sa organizational meeting ng komite. napagkasunduan ng mga senador na dinggin ?sa Agosto 23 ang imbestigasyon  sa mga opisyal ng Sugar Regulatory  Administration na pumirma sa pag-angkat ng asukal.

Habang ?sa Agosto 25 ang pagdinig sa pagbili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ng umano’y overpriced at outdated na laptop na ipapamahagi sa mga pampublikong guro ng DepEd.

Bukod sa mga nabanggit , iimbestigahan na rin ng Blue Ribbon Committee ang umano’y ‘undue payment’ na ibinigay ng Land Transportation Office (LTO) sa isang joint venture na may kinalaman sa P3.19 bilyong Road IT Infrastructure  project.

Ang imbestigasyon ay base sa inihaing resolusyon ni Senate Mino­rity leader Aquilino ‘Koko’ Pimentel kung saan base sa Commission on Audit (COA) report sinasabi nito na nagbayad ng walang legal na basehan ang LTO sa dayuhang information technology (IT) provider na Dermalog sa kabila ng hindi kumpletong paglipat ng deliverables para sa nasabing proyekto.

Nangako naman si Sen. Francis Tolentino, chairman ng Blue Ribbon na hindi magiging ‘political circus’ ang isasagawang pagdinig.

Giit ni Tolentino, ang imbestigasyon ay hindi para sa “witch hunt’ o sa ‘fishing expedition’ kundi malaman ang katotohanan kahit sino pa ang masaktan at gagawin nila kung ano ang tama.

BLUE RIBBON COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with