Enrile nanumpa na bilang Chief Presidential Legal Counsel

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa kahapon si dating Senate President Juan Ponce Enrile bilang chief presidential legal counsel.

Ayon sa Office of the Press Secretary, mismong sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa si Enrile.

Sinabi ni Marcos na buo ang tiwala niya sa kakayahan at karanasan ni Enrile bilang lingkod-bayan.

Umaasa rin siya na sa pagkakatalaga ay Enrile ay lalong mapapabuti ang pagbibigay ng legal assistance tungkol sa mga magiging aksiyon ng administrasyon.

Kabilang si Enrile sa mga opisyal ng ama ni Marcos na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagkaroon ng malaking papel sa 1986 People Power Revolution.

Nagsilbi rin si Enrile bilang Justice Secretary at Defense Minister sa panahon ng administrasyon ni Marcos at nagkaroon ng malaking papel sa pagpapatupad ng Martial Law.

  

Show comments