^

Bansa

FDA pinag-aaralan kung tatanggalin 'Lucky Me!' noodles sa merkado — DOH

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang Food and Drug Administration sa isang brand ng instant noodles matapos diumano makitaan ng kemikal na pestisidyong nakapipinsala sa kalusugan ng tao.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos balaan ng ilang European countries gaya ng France, Malta at Ireland ang kanilang mamamayang 'wag kumain ng mga produktong Lucky Me! matapos masilip dito ang "high levels" ng Ethylene oxide. Naglabas din ng parehong warning ang bansang Taiwan.

"Ito po ay tinitignan na ngayon ng Food and Drug Administration ito pong type ng pagkain na ito," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Huwebes, sa isang media briefing.

"Apparent pa lang po ito beacause it is under investigation. Kailangan pa ho nating i-verify 'yan base po sa gagawing proseso ng ating [FDA]."

Agad naman daw magbibigay ng update ang DOH pagdating sa mga magiging resulta ng pag-aaral ng FDA.

Sikat na brand ng Filipino instant noodles ang Lucky Me!, na siyang paboritong merienda — minsan inuulam — ng mga Pinoy.

Pero tatanggalin na rin ba ito kahit sa Filipino market? Ito ang sagot diyan ng DOH: oo kung makitaan ng Ethylene oxide.

"We have a process kapag gumagawa tayo ng mga imbestigasyon regarding these contaminated na produkto like food. Merong specific batches at tska LOT numbers 'yung mga apektadong nakikita natin," sabi pa ni Vergeire.

"So kung anuman po ang matagpuan ng ating [FDA] na talagang with the presence of this specific component or chemical, 'yun lang po 'yung tatanggalin sa merkado dahil iyon po 'yung mga apektado."

"But the process would be that way. That whatever would be affected, specifically the batches and the LOT numbers for these specific products, 'yun po 'yung tinatanggal sa merkado, 'yun po 'yung binabantayan na hindi po makonsumo ng ating kababayan."

Eh anong epekto ng keminal na 'yan?

Ayon sa DOH, ang Ethylene oxide ay maaaring magsanhi ng:

  • pananakit ng ulo
  • pagsusuka
  • loose bowel movement (LBM)
  • atbp.

Sa extreme cases, maaari raw itong magdulot ng kahirapan sa paghinga at pakiramdam na "pagod na pagod."

'Walang Ethylene oxide sa produkto namin'

Sa kabila ng safety warnings, tiniyak naman ng Monde Nissin Corporation ang kaligtasan ng kanilang produkto. Aniya, alam na nila ang "ongoing recall" ng produkto sa European Union at Taiwan.

"We would like to clarify that Ethylene Oxide is not added in Lucky Me! products. It is a commonly used treatment in spices and seeds to control microbial growth typical in agricultural products," wika nila sa isang pahayag.

"These materials, when processed into seasoning and sauces, may still show traces of Ehtylene Oxide. Rest assured that all Lucky Me! products are Philippine FDA registered and comply with local food safety standards and even the US FDA standards for Ethylene Oxide."

Ang naturang recall daw sa ngayon ay nakakaapekto sa noodle brands ng ibang mga kumpanya, pati na ang multiple categories gaya ng ice cream, sesame seed, spices, calcium carbonate supplements atbp.

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

INSTANT NOODLES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with