PNP, 100% handa na sa inagurasyon ni Marcos

Personnel from the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and the Manila Police District (MPD) man various entry points of the roads leading to the National Museum of Fine Arts or the Old Legislative Building in Manila on Sunday midnight, June 25, 2022, in preparation for the inauguration of President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. as the 17th President of the Philippines on June 30.
The STAR/ Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — All systems go na ang Philippine National Police para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Huwebes.

Tiniyak ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, halos 100 percent nang handa ang PNP sa kanilang inilalatag na seguridad sa National Museum at paligid nito para sa June 30 inauguration.

Sa ngayon, wala pa naman daw natatanggap ang PNP na ano mang credible threat na pipigil sa naturang event.

Patuloy din ang kanilang koordinasyon sa Manila LGU at Manila Police District para sa sitwasyon sa lugar.

Gayunpaman, tuluy-tuloy naman daw ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang regional offices para i-validate ang mga natatanggap nilang impormasyon.

Sinabi ng PNP na ginawa nang 15,000 pulis ang idedeploy sa Huwebes para sa oath taking ng ika-17 presidente ng bansa sa National Museum of the Philippines sa Ermita, Manila.

Hiling ng PNP sa publiko na tulungan silang maidaos ang makasaysayang inagurasyon para na rin sa bansa.

Show comments