^

Bansa

Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapalakas sa karera ng mga guro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpalalabas ng executive order na lalo pang magpapalakas sa karera ng mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pag-eestablisa ng mga bagong titulo ng posisyon na may kaakibat na salary grades.

Ang EO 174, na mas magpapalawak ng sistema ng pag-unlad sa karera ng public school teachers ay layong isulong ang professional development and career advancements ng mga titser sa loob ng public school system.

“Habang kinakaharap ng bansa ang pandemya ng COVID-19 at ang sistema ng edukasyon ay umaayon sa bagong normal, ang mahalagang responsibilidad ng ating mga guro sa paggarantiya sa patuloy na paghahatid ng pag-aaral ay naging mas mahirap,” sabi ni Go.

“Nararapat lamang po na maglatag tayo ng mga polisiya na layong suportahan ang kanilang propesyon na magbibigay sa kanila ng oportunidad upang matulungan ang kanilang papel bilang tagahubog ng kaisipan ng ating mga kabataan,” dagdag ng senador.

Sinabi ng senador na makatutulong ang EO sa mga guro na patuloy na mabigyan ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga estudyante.

Ang Department of Budget ay inaatasan na lumikha ng karagdagang position titles ng Teacher 4, 5, 6 at 7, gayundin ang Master Teacher 5. Gayundin, ang School Principal 1, 2, 3 at 4 ay idinaragdag sa career line of school administrators. Ikinagalak ng Department of education ang napapanahong pagpapalabas ng nasabing EO.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with