‘SSS on Wheels’ sa mga vendor, inilunsad

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng “SSS on Wheels” ang pamaha­laang lungsod ng Pasay City sa Pasay public market nitong Huwebes (Hunyo 2), sa layuning maging miyembro ang mga vendor.

Nagsimula ng alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon ang akti­bidad sa public market driveway sa kahabaan ng Libertad Street, Pasay City.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang “SSS Service on Wheel” ay proyekto ng Pasay City Public Market Multi-Purpose Cooperative.

Aniya, pinasimulan ng multi-purpose coop ang proyekto para matulu­ngan ang mga vendor na maging­ miyembro ng Social Security System (SSS).

Sinabi ng alkalde na bukod sa mga vendor, tinanggap din ng “SSS Service on Wheels” ang mga residenteng gustong­ maging miyembro basta lahat ng mag-aaplay ay dapat makapagprisinta ng dalawang valid IDs.

Sinabi ni Rubiano na ang “SSS Service on Wheels” ay tatanggap din ng salary loan tran­saction, sickness and ma­­ternity leave, retirement­, death and funeral tran­sactions, at member data change request.

Show comments